Friday, November 9, 2007

Musik Revival

Musical town na raw ang Pakil sabi ng mga keen observers sa nangyayaring upheaval sa larangan ng musika. Tama nga naman na masabi ito pagkat to date ay lima-lima na ang aktibong banda. Ang Banda Uno, Banda Dos, ‘yung mga kabataan under the Pakil Music Program ( na malayang ding sumama sa ano mang banda ng matatanda na pipiliin nila)

Mga kabataan na estudyante ng PMP sa pamamahala dito sa Pakil nina Maning M. Rarela, Fidel R. Abayari Jr., Rene C. Regalado, Greg R. Kaharian, Chie R. Mendoza at Amancio R. Regalado na nasa pagtataguyod naman ng PMP Foundation. Ang PMP ngayon ang nagsisilbing bukal ng musiko para sa bayan ng Pakil.

Bale pang apat sa bilang ay ‘yung binuo na Nuestra Senora de Los Dolores Band. Ito ay binuo para mag-asiste sa mga turumba dahil kadalasa’y nasa sitahan at nagkakasabay pang wala ang banda Dos at Uno. Nakakatuwa nga na karamihan sa miyembro nito’y mga senior citizens at ilang miyembro na hindi na gaanong aktibo sa banda Uno at Dos. Ang mga ito rin ang nagsisilbing mga musiko sa orchestra na silbing pang lima.

Kadalasan ding nag-aasiste sa tibaw at libing ang banda ng NSDLD bilang pagkakawang-gawa and on a very minimal fee as compared sa Dos at Uno, dahil konti lang naman ang grupo pero kalidad naman ang ibinibigay na musika.

by: Celso SabiƱano

2 comments:

Anonymous said...

Kumusta po Tiyo Celso. Nabanggit nyo ang Ka Fedy Abayari. Nagkausap kami noong umuwi ako, handa kong i-donate at dinala ko ang mga lumang instrumento ng ama sa Pakil mula sa Merville para tingnan nya kung maipapagawa pa,nang makabalik ako sa atin, di ko siya makita,limited ang time ko, nakaluwas ako nang walang nangyari. Please relay this to him.

Pedro R. Garcia
Buena Park, CA, USA

Global Pakil said...

Salamat po ka Pedro. Ipapaalam ko po sa ka Pidi yung tungkol sa instruments. ako na po ang bahalang magpagawa. roy