Pakil Trade and Tourism
Patuloy naman ang pagsisikap ng mga small and big entrepreneur sa pagbubukas ng negosyo na maging bahagi ng wika nga'y "umuunlad na ekonomiya" ng bayan. Sa vicinity ng Plaza Rizal ay dumarami ang mga eateries and snack bars, hamburger stands and cold drinks parlor, aside from the five bakeries, most prominent of which is Daddy's Home Bread haus dahil sa lokasyon nito at the heart of the town plaza. Katabi nito'y ang Francine's Eatery at Beatles' Shakes & Snack Bar. Landmark pa rin siyempre rito'y yung M & W Superstore na very Manila ang appeal
Ang dating Magallon Diagnostic Center ay Pakileno capital na having bought and operated by the San Gaspars, hence, the trade name St. Jasper, sosyal for San Gaspar, ala Villa Someros.
Villa Someros Resort hotel is still the best place for classy reception and impeccable dining, along with Beatles' Place Resto in barangay Bano naman for smaller affairs and receptions.
=============================
Ping-As Update
Mananatili ang malalaking letrang Pakil. True, hindi nagmaterialized ang original na planong parang hagdan ang bawat letra ng Pakil sa Ping-As. Una na nga hindi umabot sa target na budget, infact, nangalahati lang ito kaya naiba na ang plano. Ito'y ang malaking letra ng Pakil...na bawat letra ay konkreto at painted white. Visible na visible ito sa kabayanan at lalo na nga sa highway. Iyon daw kasing stairs type ay posibleng gumuho dahil hindi maiiwasan ang lakaran at mag upuan dito ay dahilig pa naman ang lugar kaya maaring dumausdos ang projected stairs. Isa pa tila improper yung tatapakan ang letrang Pakil gayundin ang mga pangalan ng bawat donor na nakaukit sa nasabing staircase.
Para sa mga hindi kayang mag-trek up patungong Ping-As, puwede nang gumamit ng sasakyan, kaya lang madi-deprive na tayo nuong saya at thrill ng pag-akyat at pagbaba na kung saan dama ang hirap pero laking konsuwelo naman natupad ang taong-taon panata na pag-ahun sa matulaing bundok ng Ping-As para makipag-istasyon, magsimba at makipag-Santacruzan.
Sabi nga'y walang makakatulad sa tradisyunal na pag-ahon at pagbaba on foot. Very tiring but an exhilarating experiece and worth remembering.
===============================
Sangguniang Bayan '07
Mula noong ika-2 ng Hulyo ay nagsimula nang manungkulan ang bagong halal na Punong-Bayan sa katauhan ni Vipops R. Martinez, anak ng natapos na ikatlong termino ng dating mayor Ignacio M. Martinez. Si Renato Cadsawan naman ang nahalal na bise alkalde.
Para sa bagong Sangguniang-Bayan naman ay pinangunahan nina Amelita Irlandez del Moro(Gonzales), Melody C. Familara(Gonzales-highway), Doro Cailles (Kabulusan), Jun Macabasco (Rizal) Ed Cotoner (Dorado), Len Sabeñano (Burgos-Estaca), Ronald de Vivar Hidalgo (Taft) at Lando Fajardo (Banilan), ayon sa pagka-sunod sunod. Ngayon masusubukan ang kanilang kaalaman at diskarte.
Nakakahinayang nga lang na yung mga tumatrabaho at tunay na statesman did not seek re-election tulad nina Dr. Dennis John Baja, Edmon Antoni at Reymar M. Sabeñano na mid-last year migrated to Canada with wife and daughter.
by: Celso Sabiñano
Friday, November 9, 2007
Samut Sari- by: Celso Sabiñano
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment