Tapos na ang Eleksyon! Eh ano ngayon?!?
Sana naman hindi natapos sa eleksyon ang mga magagandang hangarin ng mga taong naghangad maging lingkod bayan sa kanilang maliit na pamayanan- Ang Barangay!
Saan sila- ang mga bagong hahal na kapitan at kagawad magsisimula? Anong tunay na kakayanan mayroon ang mga taong ito ang magpapabago o kahit papaano ay magbibigay kulay at sigla sa uri ng pamumuhay sa kanilang barangay? Salamat kung ang mga halal sa barangay ay tunay ngang may magandang pagkatao, masipag at may katangi-tanging kakayanang magpatupad. Madalas masasabi natin naging matagumpay ang isang lider hindi dahil sa mga naunang katangian nabanggit kundi kung nagamit nya ang mga katangian nya upang makuha ang suporta ng mamayan upang kumilos, magbigay ambag para sa kaunlaran ng kanyang nasasakupan.
Ang isa sigurong mahalagang bagay na dapat nilang gawin ay gumawa ng ASSESSMENT.
Assesment ng anong meron magandang katangian/lakas ang kalinang barangay at ano ang wala o may kakulangan.
Masasabi natin isang lakas ng barangay ay kung may organisadong mga mamayan na handang kumilos sa anong mang kailangan sa barangay (halimbawa-samahan ng mga nanay, o samahan ng mga tatay, at kabataan) Ang mga organisadong grupong ito ang magpapadali para maisakatuparan ang ano mang mga layunin at proyekto sa barangay level. Kung wala naman ay yan siguro ang pangunahing magandang tutukukan ng mga liders. Mas mabilis kumilos kung kumikilos ng sabay-sabay. May puwersa at may impact ang mga gawain kapag may isang direksyon. Mahaba at kinakailangan ng pasensiya ang pag oorganisa. Nakapaloob palagi ang karanasan ng mentor at learner at vice versa. Pero ang kalidad(quality) ng mga tao or grupong ito ang magtataguyod ng isang matagumpay at mapayapang pamayanan.
Mga halimbawa ng Basic Barangay level projects na hindi kinakailangan ng malaking pondo.
***Kalinisan ---Tapat ko Linis ko/ kasama na ang pag tali ng mga asong dumudumi sa kalye
***Beautification- Flower or ornamental sa paso
***Peace and Order-
***Garden sa paso- talong,kamatis,sitaw sa lata.
***Youth Sports Development- badminton,basketbol 3 on 3 competion and calesthenics.
Others are reading tutorial, arts and other hobby development.
Itong mga activities na ito ay isa ring magandang paraan sa pag papaunlad ng camaraderie sa loob ng barangay.
Tuesday, November 6, 2007
Barangay Development
Posted by Global Pakil at 6:58 PM
Labels: Commentary
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment