PASKO SA ATIN
masayang-masaya mga batang paslit
kapag ang pasko ay sumasapit
edsa, avenida ay sobrang traffic
sa ayala nama'y mga ilaw'y kay rikit
mga magulang natin ay di magkamayaw
pagka't christmas bonus ay abot tanaw
tiyak ang mega mall sa tao ay umaapaw
henry sy at gokongwei eto't tubong lugaw
pakileƱo'y iniintay pagdating ng bisperas
lahat ay uuwi sa bayang kay aliwalas
ang iba'y magpapa gas at iba'y magba bus
huwag lamang sanang kampana'y dudublas
pag dating ng hatinggabi kabataan ay tabi-tabi
suut-suot ang damit na kanilang nabili
paboritong sapatos na adidas at nike
ang siyang kanilang ipinagmamalaki
kay sarap isipin ang nakagisnang kultura
huwag sanang mabahiran at maging banyaga
kung saan ang christmas ay naging holiday na
upang mapagbigyan lang ang opinion ng iba.
dito sa kanluran mo lang makikita
kung saan si sta claus ay persona non grata
pati ang pobreng rudolph ay ipagbabawal pa
pasensya mga bata walang ride ngayon si santa.
by: Roy Hidalgo
===============
MGA ALAALA
Noong ako'y musmos aking napagtuos,
Kaming munting bata'y nilalang ng Diyos,
Sa aming magulang ay nagbibigay lugod,
Sa maghapong gawa'y pang-alis ng pagod.
Nilikom kong lahat ang mga alaala,
Mga gintong araw noong buhay pa si Ina,
Ang bawat sandali'y mandin ay kay saya,
Sa kanyang kandili at sikap ni Ama.
Natatandaan ko pag gising sa umaga,
Ako'y bibihisan sa Estaca ang punta,
Doo'y hihintayin ang lunday ni Ama,
Na galing sa laot ng lawang masagana.
Pagdating ni Ama ako ay yayakapin,
Na may pananabik puno ng paglalambing,
Malalaking isdang huli, kanyang pipiliin,
Sa hapag kaina'y pagsasaluhan namin.
Pagkatapos mag agahan sya ay tutukpa,
Sa luntiang bukid na kanyang sinasaka,
Ang matinding init hindi nya alintana,
Dinidilig nya ng pawis upang palay ay magbunga.
by: Deo V. Yerro
=================
Ang Pakil . . . (bow)
Kung ikaw ay pupunta ng Pakil;
Sa dulo ng walang hanggan ang
iyong tigil;
Upuan mo'y tiyak na mag iinit,
Kung galing kang USTE hanggang
bus ay di' na umabante;
Pero, pero, pero hindi maiinip,
Sa ganda ng tanawin
at sarap ng ihip ng hangin;
Si Joyce, Joybe, Kikay, Au at Ako,
Patungo sa mga Regalado,
Taun-taon bakasyon ay areglado;
Masarap na tsibog twing pista ay sasapit;
Akyat ng bundok sa mahal na araw
kami'y kapit-kapit;
Sa Turumba kami din ay sadyang naakit;
Sa Mahal na Birhen kami'y
sumayaw at umawit;
Pati sagala kami ay napasabit;
Buti na lang kahit paano'y
kami ay kaakit-akit; (he…he…he)
Tuloy ang kaligayahan,
Lalo na kung matitikman
ang Paliguan ng Bayan;
Napakalinaw ng katubigan,
Libag at alat nami'y tiyak na nagtanggalan;
O Pakil, sadyang kami'y binihag mo;
Lalo na ng makilala ang malalambing
at simpatikong ginoo;
Sana'y dito na kaming totoong-totoo
Pagkalipas ng maraming taon;
Kanya-kanyang buhay kami'y nagkaroon
Kailan kaya muling mapaparoon?
Buong barkada muling pupunta;
Sa Bayang sadyang pinagpala…
Pakil, hanggang sa muling pagkikita!!!
bow….
By: Cathy Paras
(California, USA)
UST - BSE Batch 89-93
Sunday, December 16, 2007
TULA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Deo,
Baka may mga natatago ka pang ibang mga maririkit na tula ay ibahagi mo naman sa amin. Paulit-ulit kong binabasa ay talaga namang kaaya-aya:-)
Naitabi ko yang tula mo mula doon sa lumang site...talaga namang nararapat na ibahagi sa karamihan.
royreg
Post a Comment